Saturday, February 28, 2015

Maskara

May mga taong mahilig magpasaya ng iba. Yung halos papatawin ka hanggang sumakit na ang tiyan mo. Yung hindi pa nga siya nagsasalita matatawa ka na sa ekspreyon ng mukha niya. Parang walang problema.

Pero yun pala mabigat ang dinadala niya. Hindi niya lang masabi dahil sa maraming dahilan. Maaaring nahihiya siyang malaman ng ibang tao o
baka natatakot lang siya sa pwedeng sabihin tungkol sa kanya. Madalas dinadaan niya lang sa mga biro at tawa pagkasama niya ang mga kaibigan niya pero pag siya na lang mag-isa tulala na sa isang tabi. May pinagdadaanan pero hindi lang pinapahalata. Laging nakasuot ng maskara pagnakaharap sa iba maipakita lang na masaya. Ikaw na kaibigan dahil sanay na sanay ka naman na ganyan siya hindi mo naman napapansin. Hindi ka rin makapagtanong kasi nag-aalangan ka mapapaisip ka din baka kasi wala naman talaga nag-assume ka lang tamang hinala kung baga. Napakahirap nuh. Hindi ka naman si Madam Auring para mahulaan mo. Kung minsan mapansin mo ganito ang kaibigan mo sana maging mabuti kang kaibigan. Lakasan mo ang loob mo na magtanong kung anuman ang dinadamdam niya kasi yung mga taong madalas laging nagpapasaya yung ang klase ng mga taong may dinadamdam pala.

No comments:

Post a Comment